Minsan ba naranasan mo na tamadin sa sarili mong bahay? Tapos gusto mo lumabas, kaso nakakatamad din kasi wala ka kasama, wala ka din pera? Yung pakiramdam ng kung ano ano na lang naiisip mo.
Minsan ba nastuck ka na sa ginagalawan mong mundo? Dahil takot sa mga pwedeng mangyare at pwedeng kalabasan ng gagawin mo? Yung hindi ka na nga makagalaw, pinagbabawalan ka pa. Ang tanga diba.
Minsan ba naramdaman mo na, kelangan mo na lumabas sa kahon mo? Kelangan mo na suungin yung takot mo. Kasi kung hindi, lagi ka na lang ganyan. Tapos kapag sinuong mo na yung takot mo, makikita mo na, sana noon ko pa ginawa, o kaya naman, sa a di ko na lang ginawa.
Minsan kasi, minsan lang din ang kailangan natin para kahit minsan sa buhay natin, masabi nating minsan din akong ganyan, minsan ko ding naramdaman yan. Hindi yung, minsan ginusto ko yan, hanggang gusto na lang?
Magulo isip ko. Guluhin ko rin yung inyo. Hirap na ako magisip ng walang kwentang bagay. Tulungan nyo ako.
Maybe it does not have to be everything, but it has to be something worth living.